2022 Valedictory Speech of Lois Mauri Anne L. Liwanag (Summa Cum Laude)
- Details
-
Published: 10 August 2022
Delivered during the President's Tribute to the Graduates on August 10, 2022 at the VSU Gym.
Fellow graduates, parents, instructors and professors, staff, administrators, beloved guests, maayong adlaw kaninyong tanan!
Congratulations to the K-to-12 / COVID / virtual batch. Grabe, ang dami ng labels sa atin–mga labels na tanda ng mga pinagdaanan natin.
Four years ago, lakas loob kaming nagpunta nina Ate, Papa, at dalawa naming shih tzu sa isla ng Leyte. Kami ay mga tubong Antipolo na walang kamag-anak, walang kakilala, at walang alam na salitang Bisaya kung hindi ang salitang ‘ambot’.
Kaya ang laging tanong sa akin, ‘ngano man diay?’.
May mga nakakatuwang kwento–nagtago raw kami sa Leyte kasi anak ako ni Ate.
Hindi naman talaga mala-MMK ang kwento. Simple lang. May tiyansang magturo si Ate sa VSU, kapag natanggap si Ate, makakapag-aral ako nang libre, at ihahatid lang kami ni Papa.
So nagkatotoo nga. At ngayon, ga-graduate na ako at nakapag-aral at ga-graduate pa sa masters si Papa.
Siguro kung gagawan ng pelikula ang buhay ko sa Leyte, ang pinakaangkop na pamagat ay… Ang Babaeng… Nag-Feeling.
Amfeeling–mula sa dalawang salita na "ang" at "feeling". Yung ramdam mo na kaya mo. Ramdam mo na mangyayari. Ramdam mo na para sayo ito.
Pwedeng mag-equate ito sa ‘manifesting’ o ‘claiming it’. Recently lang na-normalize ang mga positibong katagang ito. Naging makabuluhan sa akin ang maging #amfeeling dahil simula noong makapag-aral ako sa prestihiyosong pamantasan sa Leyte, sinubukang ko lamang din ‘mag-feeling’ o mag-ambisyon, mangarap.
My friends and classmates may not know it, pero alam na alam ito ng mga naging instructors at professors ko. Medyo nakakahiya. Mauwaw man ko. Pero aaminin ko na dahil ga-graduate na rin naman tayo eh first year pa lang, if I remember it right, nag-feeling na ako.
Kaya today, I would like to share three ways how I transformed my ‘amfeeling’ into a real thing, which I hope can help all of us as we begin our journey into the real world.
Disclaimer lang. Sa student life ko pa lang ito naa-apply ha. Hindi ko pa proven sa love life o uyab.
Number 1. With great feelings comes great responsibility. Hindi pwedeng ‘feeling lang’ nang walang ginagawa.
Naniniwala ako na si Dr. Guiraldo "Junjun" Fernandez, Jr. ay hindi lang isang magaling na propesor, pinatunayan niya rin ang kakayahang maging propeta. “Loo, baka mag-summa ka rito,” sabi niya. Natawa ako at sumagot na “Sir hindi naman”. Sa loob-loob ko, loko ito si sir. Medj kinabahan ako. Kasi kasama nito ang responsibilidad–responsibilidad na sa pagpasok ko ay dapat kong galingan.
Kaya subconsciously, na-instill ito sa akin. Minor man o major subject, credited o non-credited, I gave my 101%. So… laging may sobra.
Yung mga General Education classes na ‘minor’ lang? Students tend to forget that these classes are also 3 units each. Truthfully, sa GenEd classes ko na-realize na may potential pala ako–creativity, critical thinking, and writing. Si Mr. John Martin Diao ang unang instructor na naniwala sa kakayahan ko lalo na sa pagsusulat.
Ang PE at NSTP na passing grade lang ang kailangan dahil non-credited naman? Tinodo ko ang pagsayaw, pagtakbo, at pagbabad sa araw. Dahil kung maka-tres ako sa mga subject na ito, wala ring saysay ang mga uno na subjects ko. Our performance in these classes reflect our true attitude and discipline because we attend them thinking that they barely matter at all.
In the real world, there is no such thing as minor, major, credited, or non-credited work. Lahat ng tatahakin natin at gagawin natin will mold us to who we will become.
Bilang fresh graduates, may kasabihan na sa unang trabaho, tagatimpla tayo ng kape. Kung mangyari man iyon, eh di galingan natin. At siguraduhin na ito ang pinakamasarap na kape na matitikman ng magiging boss natin, yung barista level.
Number 2. Panindigan ang pagfi-feeling. Hindi lang pandemya, brownout, pagod (or kapoy) ang mga pwedeng hadlang. Tandaan, na kahit feel na feel mo na ito na yun at ginagawa mo na ang best mo at may mga susuporta, pero may hindi rin maniniwala sa pagfi-feeling mo.
Pero isa pang Bisayang salita na natutunan ko? Padayon ra! Patuloy lang hangga’t makakaya. Pahirapan man ng isa o dalawang subjects, lavern lang!
At number 3. Kapag nagawa na ang lahat ng makakaya, hindi ka si Superman o Darna. Ipaubaya na sa Ginoo. May mga bagay na hindi na natin kayang kontrolin. Marami sa atin ang kailangang tumigil, lalo na nung pandemya. But you should always remember that He is in control.
I would like to take this chance na pasalamatan ang mga tao na nakasama sa journey ko na ito.
To Dr. Feorillo Demeterio III, Academician Prof. Dr. Alvin Culaba, and Dr. Guiraldo "Junjun" Fernandez, Jr., they are the strong and able men who first foretold my future. Sila yata ang may kasalanan kung bakit ako nagsimulang mag-feeling.
To my dad, who is also graduating with me this week, at laging nagpapaalala na kung ano ang iniisip ko ay ayun ang mangyayari.
My mom, who wholeheartedly and emotionally supported my dreams in many ways.
My sister, Ate Leslie, na nagturo sa akin to listen and do my best in everything.
My brothers, Kuya Gabe and Kuya Gerome, who reminded me to rest and have fun once in a while.
My Titas and cousins who are also watching right now.
My college constants, Margraf Eslopor and Joan Paula Mayor, who have been so patient with me at tinulungan akong makapag-adjust at maintindihan ang Visayan culture.
Ang mga kaklase kong sobrang maaasahan, Christine Guston, Novie Jabian, JP Corton, Niño Piolo Roto, naging magaan ang group activities dahil sa inyo.
DevCom classmates! Shoutout sa GC na 4th year DevCom, at sa mga naging kaklase ko sa ibang course nung floating ako. Natuto ako makisama sa iba’t ibang klase ng tao dahil sa inyo.
Dr. Derek Alviola and Mr. Jed Cortes, salamat sa pagturing sa akin bilang anak at ipinagkatiwala pa sa akin ang school publication na Amaranth bilang Managing Editor nito. Dito, nakilala ko ang magagaling at masisipag na writers, correspondents, layout artists, at multimedia producers na nagabayan ko at natuto rin ako.
Dr. Rotacio Gravoso at Dr. Editha Cagasan, mga nagsilbing magulang ko at gumabay sa akin sa DevCom research projects.
Dr. Dadai Gabrillo, for the first gift I received ever since the graduation season started.
Engr. Manolo Loreto, Jr. and Mr. Junito Panonce, para sa mga natanggap na munting gantimpala ng pagsusumikap kada-semestre. Alams na!
Ms. Mary Grace Perez-Enaya, Ms. Precious Tubigan, Ms. Reality Mae Tabernero, at Mr. Aldrin Palermo, DLABS instructors na unang nagpa-realize sa akin that our teachers are humans too.
Mr. Renato Maala, Mr. Victor Calunangan, at Ms. Liza Jagonos, sa pagtulong sa pag-asikaso ng aking mga opisyal na dokumento.
Faculty and staff ng Devcom, DLABS, ITEEM, DA, DBS, DMP, IHK, at ROTC–our fear of facing the real world is less because you equipped us with your invaluable teachings.
Kay Ms. Relyn Porlas at Mr. Niño Sanchez, na tumanggap sa amin para may matirhan kami sa Baybay City for three and a half years.
At syempre, naging posible ang lahat ng ito dahil sa ‘matamis na oo’ ni President Tulin. Maraming salamat sir sa pagtanggap sa akin at sa aking pamilya.
At para sa mga hindi ko nabanggit, huwag po kayong magtampo. Alam niyo na yun, na may pinagsamahan tayo.
Viscans, never be afraid to be “amfeeling”, that is to manifest and claim it. Mangarap tayo nang malaki.
Congratulations Class of 2022! Para sa atin ang gintong medalyang ito.